Thursday, January 24, 2013

hi FRIEND!


       Kamusta nman buhay naten? Grabe hindi ako makapaniwala na may blog na ko. haha. jk. Anyways, sobrang dami ng nangyari sa buhay ko.. alam mo yung feeling na tambak na tambak ka na sa kadepresan sa buhay?! Yung tipong sumusuko ka na kasi feeling mo binagsakan ka na ng langit at lupa? 

Ang masasabi ko lang ay GRABE!! 

Ang sakit sa puso... alam mo yun?! Kasi kahit anong gawin mo wala pa ring nangyayari para maka-pasa ka sa MAJOR SUBJECT MO!! Masaklap pa yung ibang SUBJECT na PA-MAJOR!! hahaha.. :)) Dibaaaa?!!

Nakaka-depress!! Hindi naman ako ganito dati eh! Ewan ko ba? Hindi ko alam kung ano nangyari sakin ngayong Midterms! Nakakaiyak... sobrang nakakaiyak. Nakaka-disappoint.. sobrang nakaka-disappoint. Hindi ko na alam gagawin ko eh! Nag-isip na rin ako na mag-shift pero sabi ko eto na to eh! Bakit ko pa iiwan kung ibinigay na sakin ni Lord? 

Sabi nga nila ""You don't have to be mentally gifted. You just have to be patient and hardworking." AYAN. 
Sobrang natamaan ako. Naisip ko hindi pa nman katapusan ng mundo para IYAKAN ko ng sobra yang MIDTERMS!

Akala ko nga magagalit sila Mama eh.. pero baliktad yung naisip ko . haha. :)) Sabi lang nila.. BAWI KA NALANG SA FINALS!

Wow. nagulat ako sa sinabi nila.. Binigyan pa nila ako ng lakas ng loob. ang saya saya. :))) Pero halata siyempre sa muka at boses nila na na-disappoint sila. 

Hindi nman kasi maiiwasan na bumagsak eh.. Parte yan ng pagiging estudyante. 

Hindi mo matututunan na bumangon kung hindi mo pa nararamdaman na bumagsak. 

Masakit man.. Nakakaiyak.. Nakakadurog ng UTAK.. at higit sa lahat NAKAKA-CHALLENGE PA LALO! 

Hayyyy, ano ba namang buhay to? Pero kahit simpleng problema man ito, alam ko na may mas malala pa rito bukod sakin diba? 

Kaya hindi pa ito ang katapusan ng mundo sakin! 

Umpisa pa lang to ng kalbaryo ko at wala pa ko sa gitna.. Mas marami pang darating na hindi ko pa inaasahan..

Kanina, pumunta kaming St. Jude... nag-novena kami.. Ngayon ko lang narealize na hindi na pala ako nagdadasal.

Kinalimutan ko na yung panangga ko sa lahat. PRAYER.

Alam ko na kung bakit ako sumuko agad... Bumigay sa simpleng problema.. 

Hindi ako humingi ng tulong. Kinaya ko mag-isa. Yun pala mali ako. Maling mali. 

Nakalimutan ko SIYA. Nakalimutan kong magpasalamat at humingi ng GUIDANCE. >.< 

ang saklap noh?  Sobra akong natiwala na kaya kong mag-isang harapin to. PERO HINDI PALA.

KAYA kung ako sayo friend, kapag nabasa mo to..

Marerealize mo na HINDI LANG IKAW ANG TAO SA MUNDO!

Andyan si LORD. Para tulungan ka.. HINDI KA NAG-IISA. Okay? Wag mong solohin yang problema mo! 

Lumuhod ka lang at mag-pray.. I-alay mo lahat yan kay Lord.. Siya na bahala sayooo.. :)))

        Ang dami kong narealize ngayon noh? Grabe.. Nagpabaya kasi ako eh. AYAN tuloy. 
I learned my lesson. Mas maganda rin ang nadadapa paminsan minsan para matutunan mong tumayo ng matuwid at KAYANIN lahat ng mga CHALLENGES sa buhay. 

Kaya nga ang buhay ay parang GULONG... Minsan nasa ibabaw, minsan din ay nasa ibaba. :))) ~sabi yan ng nanay ko. Makata din kasi eh. haha. :)) 

At KUNG KAYA NILA. KAYA KO RIN! KAYA NATIN! diba?! HINDI TAYO SUSUKO AGAD! :))) 

 "If you pray hard, and still God didn't grant your wish.. Just wait. Maybe He will give you something much BETTER than what you've expected."

Just be thankful for EVERYTHING and Enjoy LIFE!! :)))) :D 

Ui friend, baka nadepress ka pa lalo sa mga sinabi ko ha.. pero sana nakatulong din ako sayo. 

Magtulungan tayo haaa.. :))) 

Super thankful ako at nandyan ka para makarelate sa blogs ko.. magbasa sa mga kadramahan kong ito..
Kung sino ka man..
THANK YOU ha. You made me happy and Relieved. Thank You! :D 

I hope nag-enjoy ka sa first blog ko na to kahit sobrang haba na. hahaha. :))) 

~ Okay til' next time... Ingat! :D